Snapped
12 CommentsLente, tambayan at litrato.
Huling bisita ko sa lugar na ‘to ng Pasig noong October 2007 at ngayon lang ulit nasundan. Busy na sa paghahanapbuhay ang mga pinsan ko, may kanya-kanya na kasi silang pamilya. Medyo boring na rin ang tanghali ko dahil ako lang ang taong naiiwan sa bahay nila, kaharap ay TV at electric fan lang. Kahit sa bahay ng kaibigan ko na parati kong katambayan ay nabago na rin ang ambience, college na kasi at busy sa preparasyon para sa kanilang graduation. Di naman natapos ang araw na na-boring ang pagtatambay ko.

Western skylines view from C6 bridge, Pasig City
Sa kahabaan ng C6 ay madadaanan ang tatlong estasyon ng flood control, isa sa bandang Pateros at dalawa naman ay sa Taguig. Malawak ang imbakan ng tubig sa pangalawang estasyon at madaming maliliit na isda na siya namang dinarayo ng mga ibon na di ko pa alam ang pangalan.. ang alam ko lang ay isda ang paborito nilang pagkain. ![]()
Hetong mga kuha ko gamit ang lens na ayaw mag-auto focus sa aking camera.
, ang lumang Nikkor 70-300mm f/4.5-6 G lens sa D40. Dahil sa pasensya at pagpupumilit kong magamit ang lens, inihahandog ko po sa inyo ang natira mula sa 138 blurred shots…
Ang unang litrato sa itaas ay kit lens ang gamit ko ‘non para makuha ang sunrays na kadalasang sinasabi ng mga nakakita ay “bumababa daw an Panginoon o kaya nama’y bumubukas ang pinto ng Kalangitan.” Ang mga ibon naman ay nag-uunahan para masaksihan ang liwanag ng kalangitan.

“I see you my Lord”
f/5.3 250mm

“Me too!”
f/5 220mm

f/5 220mm

f/5 200mm @ 1/800s

f/5 200mm @ 1/800s

“A winged fish!”
f/5 200mm @ 1/500s ISO-200

Ibon pala ‘yon?
f/5 200mm ISO-200 @ 1/500s

“Follow me!”
f/5 200mm ISO-200 @ 1/500s

f/5 220mm ISO-400 @ 1/800s

f/5.6 100mm ISO-200 @ 1/250s
Timing, patience and a little art at any situation is equals to my finished composition. Ganon po ang parating iniisip ko pag hawak ko na ang aking camera. sana sa susunod, mabago na, “timing, patience, art and a right gear!” ah isa pa pala, “masayang tambayan!” hanggang sa muli po.
Sumilip:57
