Tagged with "Northern Samar - unscripted life"
Feb 4, 2009 - Opinions, Snapped    7 Comments

My 2009 intro.

Palapag River

January, panay ulan at halos apat na beses lang yata nagkaroon ng pagkakataong umaliwalas ang kalangitan sa aming probinsya. ..read more »

Sumilip:24
Aug 28, 2008 - Roam    18 Comments

Pacific Shoreline – the rocky coast.

cape.jpg

“The Cape Espirito Santo”

Palapag, Northern Samar – ang aking lupang sinilangan, ang lugar ni Sumoroy, at lugar ng mga waray-waray na ginawang libingan ng mga matatamis na pangako ng mga tradisyonal na politiko. Binisita minsan ng dating Pangulong Fedil Ramos at ni GMA nong kakandidato pa lamang sya sa pagka-senador. Di ko lang alam kung anong pangako dati ni Mr. Ramos, bata pa kasi ako non at nong kay Pangulong GMA naman wala din akong matandaan. Ang alam ko lang ay ang pangako ni Erap, “pag ako naging presidente I will connect the Pacific towns to the mainland of Samar” – hiwalay kasi ang limang bayan sa bandang pasipiko (Lao-ang, Palapag, Mapanas, Gamay at ang bayan ng Lapinig) tanging pump boat lang hanggang ngayon ang sakayan para makarating sa bayan namin. Isang tulay lang naman ang kailangan para makonekta ang bayan namin sa sinasabing mainland ni Erap, humigit kumulang sa 100metro lang ang layo ng tutulayan di pa matapos-tapos kasi ni hindi rin naman maumpisahan. ..read more »

Sumilip:49
Jul 6, 2008 - Nature, Roam    9 Comments

Denver goes fishing!

map2.jpg

Target Destination – Pacific Ocean

Nasubukan nyo na ba ang sumamang pumalaot sa mga mangingisda para magphoto-shoot? Pwes ganito kasaya lalo na pag sa Pacific Ocean ang destinasyon. Una, maaga ang alis, 4:00am pa lang dapat gising ka na, magpainit ng tubig at magkape. Bumili ng bonamine sa tindahan na maagang nagbubukas – mahirap kontrahin ang walang katapusang alon ng karagatan. Kumain ng kaning lamig kung sakaling di ka nakabili ng bonamine para kung sakaling di mo matiis ang lula ay meron ka naman maisuka, mahirap sumuka ng walang maisusuka eh. Bumili din ng sky-flakes, o kahit anong tinapay na makakain habang nakatambay sa bangka.

..read more »

Sumilip:42
Pages:12»