
A muslim boy with his Mom.
Bumisita ako sa Quiapo para umpisahan sana ang film to digital job na binigay sa akin ng kaibigan ko kaso walang bakanting shop para tumanggap ng trabaho dahil graduation period daw, ibig sabihin walang space para sa film scanning.
Nagtanong-tanong ako sa mga repair shop nagbakasakaling may alam sila, may isang taong itinuro sa ‘kin kaso di pa dumating sa pwesto nya. Habang nag-aantay minabuti kong pumunta muna sa M/V Doulos, matagal ko na kasing binalak na bumisita dito simula nong nabasa ko sa post ni ferdz, baka kasi may magustuhan akong libro, mura lang daw kasi.

M/V Doulos
Halos siguro pamilyar na ang barko na ‘to sa mga Pilipino lalo na sa mga taga-Maynila at mga estudyante. Isa na syang “Living History” at naitala na sa Guiness Book of Records bilang the worlds oldest passenger ship. Dahil sa katagalan may balitang papalitan na ang barko, nawawala na kasi sa standards ng paggawa ng barko ang kaslukuyang mga materyales nito ayon sa isang tour guide na nakausap ko. Pero balak pa lang daw yon, pipilitin nilang umabot ng 100 years. May sarili syang website para sa karagdagang impormasyon. www.doulos.org.

Doulos Book fair
Sa paglilibot ko sa kanilang book storen, nakapili ako ng dalawang libro para sa photography at painting, malaking tulong para sa akin at kapatid kong mahilig sa painting.

Karamihan sa mga libro ay tungkol sa Bible at Christianism. May mga pambata, culinary, science, art, health, souvenirs at mga gift items.

The Doulos mug
At heto ang napili kong souvenir kasama ang dalawang libro. Kung marami lang akong pera siguro meron pa akong nabili.. 

Our tour guide
Ang tour guide namin sa paglilibot ng barko, si Isabel Chai isang Thailand national. Two months old lang sya sa barko, mahilig sa travel, nag-apply sa Doulos community bilang volunteer para matupad ang pangarap na malibot ang mundo. Kaso sa Southeast asia na lang daw ang nililibot ng Doulos ngayon dahil di na pwede sa mahahabang paglalayag dala ng katandaan. Lola na daw kasi ang Doulos sabi ng tour guide.

Gallery

Recreation and function hall

Clinic nurse, nakalimutan ko ang pangalan. Kasabayan daw silang nag-apply sa barko.

Exit
Kulang ng bisita sa aking pagpunta dahil tanghali at may pasok ang mga Manilenyo kaya ang mga walang trabaho lang ang nagpupuntahan.
Pagkatapos ‘non balik ang Denver sa Quiapo.

Fish eye shot by Jun
Andoon na yong inaantay ko, tanong-tanong at matapos ang sagot, ok na. Confirm na lang daw sa next day kung kakayanin ang film load na kelangan kong ipa-transfer into digital file.
May mga photographer na nagdatingan, mga kakilala nyang hobbyists, grupong kalye, yon ang naalala kong tawag nila sa kanilang samahan bilang mga photographers. Jun nga pala ang pangalan ng napagtanungan ko tungkol sa film scanning. Dating photographer nong dekada 70 hanggang 80′s at pinasok ang buy ‘n sale nong tinamad/nagsawa na sa photoshooting. Maraming koneksyon pagdating sa tao at camera equipments, laking Hidalgo eh, matulungin sa kapwa photographer, ang ugaling wala sa ibang photographer na nakilala ko. Isa syang inspirasyon. Pati ang mundo pagmamanukan ay inumpisahan na ring pasukin hehehe!.

Spike boy
Isang tambay sa tapat ng tindahan na napagtripan ng mga kalye photo boys.

Hayon tinira sa likod hehehe.. nainggit sa buhok, siya daw ay di na mai-design ang buhok eh…

Head to head
At may nakisingit!
Ganon talaga ang mga street shooters, kung sino sino lang ang napapagtripan. Maraming nakikitang subject mula tao hanggang sa pinakamaliit na bagay sa kalsada.
Lahat nang ito ay binibigyang buhay sa likod ng camera, sa screen ng computer at sa naimprintang litrato para maging inspirasyon at pag-asa sa isipang maimahinayon ng mga letratistang katulad ko.
Sumilip:37