Tagged with "Bohol - unscripted life"
Nov 9, 2009 - Roam    13 Comments

The Plunge

last_supper

Last lunch

Pagkain. Ito yong tinuring kong last lunch ko bago ko ipagpilitan sa sarili na hindi na ako natatakot sa matataas na lugar.
..read more »

Sumilip:52
Oct 28, 2009 - Roam    4 Comments

Danao Extreme Adventure park

Isa sa mga kinahuhumalingan ngayon nga mga mahilig sa extreme adventures dito sa Bohol ay ang Danao Extreme Adventure park. Matatagpuan sa Danao, Bohol. Nabanggit minsan ng isa sa mga speaker sa PNHS symposium ang Danao, isa sa naging taguan ni Francisco Dagohoy, ang Boholanong nagbigay ng sakit ng ulo sa mga mananakop na Kastila. Nasali din sa presentation na ginagawang adventure park ang isang parte ng Danao na may mistulang grand canyon. Meron nga, matarik, nakakalula ang taas mula sa gilid ng bangin hanggang sa mala toothpick na kakahuyan sa baba.

Nagkataong mahilig din pala sa extreme adventure ang anak na pari ng kasalukuyang inuuwian ko dito sa Bohol. Nong kinausap ko sya tungkol sa park sabi nya malayo daw yon mula sa bayan kung saan sya naka destino bilang Kura Paruko. Sa Clarin. Wala siyang sinabi na may balak syang magpunta sa lugar na tinutukoy ko. Kinabukasn bigla na lang nag-aya pagkatapos ng misa nya. Pinaghanda yong tatlong katulong sa kumbento at bumili ng babaunin. Enteresado rin akong makarating sa lugar at matagal ko nang pangarap na tumalon na parang sa TV, yong may tali sa paa at una ang ulong bubulusok pababa. Bungee jumping! Pero sa Danao ang tawag nila ay “The Plunge” parang human pendulum, 200meters ang haba ng lubid sa sa dulo non nakatali ang taong gustong maranasan ang bumulusok ng humigit kumulang 140 km/h. At, only in Danao yan, wala pa sa ibang lugar ng Pinas.

Nong patungo kami sa site nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ng malapitan ang kalbong bundok na parte ng chocolate hills sa Sagbayan, Bohol. Malubak pa ang daan papuntang Danao at ayon sa isang nakausap ko kaninang umaga: “Pare ang Danao nong araw ay di kinikilalang lugar dahil isa syang tinuturing na enterior town, maraming tulisan”. Yon din ang sabi ni Padre nong malapit na kami sa bayan ng Danao.

Ang Danao Adventure Park ay isang tinututukang project ng Danao LGU ngayon katulong ang Bohol Prov’l gov’t. Kasalukuyang umaakyat patungo sa pedestal ang bayan dahil sa adventure park na yon. Dumadami ang dayuhang nagpupunta, kahit ang mga lokal na turista ay dumadagsa rin. Nadagdagan ng pagkakakitaan ang mga mamayan at inaasahang lalago pa ito dahil marami pang adventure activities ang bubuksan sa susunod na mga araw, maraming kita, maraming pera, wala nang insurgents at tulisan….

Next post, Denver got plunged!

Sumilip:54
Oct 27, 2009 - Opinions    No Comments

Bohol – balik jud ko!

DSC_8791

Katatapos lang ng Octubafest non, yong merong “Tagay”. ..read more »

Sumilip:63