
Sa mayaman at sa mahirap, parehas kaya ang kanilang pananaw sa “semana santa? Nong kabataan ko kasi, nong panahon na wala pang ibang sekta ng Kristiyanismo sa bayan namin ay maraming gawain ang simbahan para sa pagdiriwang ng semana santa. Matanda at bata ay inaabangan ang parada ng mga deboto, mga “penetinsyadores” at mga naka damit na kunyaring mga hudyo. Parang yong sa Cutud Lenten rites din, may mga naghahampas sa sariling likod at nakatakip ang mukha. Noon po yon, dalawang dekada na ang nakakaraan.

Fishermen
Ngayon po ay iba na, taghirap din kasi at kelangang magtrabaho para may makain lalo na ang mga kumikita ng arawan lamang.

San kaya ang mga baby alimango ngayon?
Sila yong kumikita sa panghuhuli ng similya ng alimango. Kahit alam nilang pinagbabawal nang hulihin ang maliliit na similya ay patuloy pa rin sila maitawid lang ang araw ng kanilang pamilya. Kuha ko ang larawang ‘to kahapon habang nakasakay ako sa pumpboat papuntang sakayan ng bus sa karatig bayan namin. Mabagal lang ang takbo ng bangkang de-motor dahil mababaw ang tubig, low tide kasi, kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-letrato.

Dito meron!
Huwebes santo ganito ang nakita ko sa dinadaanan namin. Marami sila, yong malalapit lang ang nakuhanan ko. Kung marunong lang kasi mag-alaga ng alimango ang mga taong ‘to, sigurado mas malaki ang kikitain nila kaso wala din namang may namamagandang loob para turuan sila eh kung tutuusin ay marami-rami naman gradweyt ng fishery course sa lugar namin.

“Taga lang ang sa akin, ayoko sa putikan.”
Si manong naman parang nangangabayo, nakahawak sa tali ng taga (bingwit) nya, sinasalat ang pagkagat ng isda sa pain. Siya yong biyernes santo din ang mukha habang inaabangan ang huli.

Tambayan
Sila naman ang kagigising lang, nagkukwentuhan sa tulay na tambayan. Pinag-uusapan siguro kung sinong ipapako nila sa biyernes santo. Yan ang buhay ng walang sigurong mapagkakakitaan, lalo na pag tag-ulan. Kaso parang sila naman ang may masasayang buhay, dahil nga semple lang ang kanilang hanap, kahit walang textmate nakangiti pa rin, wala kasing celfon eh..

Ganito naman ang buhay ng “may-kaya” o mayaman. Patext-text lang,……bahala na si nanay sa kusina..

Pa-picture picture…..di na baleng nakasimangot ang kinukuhanan ng letrato basta siya nakangiti lang.

At syempre, “Kaysarap ng buhay” sabi nong mamang driver, pa-yosi yosi lang pagkatapos kumain…. minsan sabi ng iba unfair daw ang buhay, kahit daw panay ang trabaho kulang pa rin ang kita,. mas puno pa ang bulsa ng mga taong nakaupo lang kumpara sa mga nagpapakahirap para iangat ang kabuhayan.
Sumilip:28