Tunog, reaksyon at feelings ng mga deboto.
May napansin akong mga litrato na nakuhanan ko pala, kaninang umaga ko lang nakita at naisipang isama sa mga post ko ngayong Enero. ito ay tungkol sa mga naiisip kong tunog na maririnig kapag titigan mo ang mga sumusunod na litrato, pati na rin ang mga nararamdaman ng mga deboto habang nakakahawak na sa lubid pagkatapos ng masikip na pakikibaka para lang makalapit. Sadya ngang kakaiba ang “feelings” kahit sa litrato ko na lang talaga napansin, pitik lang kasi ako ng pitik habang nasa harap ko ang karosang ng Poong Nazareno pati na ang lubid na maalamat at mahimala ayon sa mga deboto.

Ready, Set!...
Siya ang nag-umpisa ng senyales para simulan ang pag-arte ng mga adik sa lubid na pinag-aagawan ng libo-libong deboto.

Halinghing ng Kabayo
Meehhhehehehehehe!!!!!!! Umpisahan na!!

Alulong ng aso
Awoooooooooooooooooo!!!!!!!!!! sila ang dalawang taong lobo na kasali sa pakikipag-agawan ng lubid.
Anong feeling??
Hanggang ngayon, halos isang linggo na ang nakakaraan ay di ko pa rin alam ang dahilan ng pinag-uunahan sa paghawak ng lubid ng karosa, heto lang ang nakita kong mga ebidensya….
Alam mo na siguro ang naiisip ko…
ngiwi lang ang katapat ayos na….

Ama namin, sumasalangit ka....
samahan ng konteng dasal, pwede!

di ko alam kung naiipit lang sya o nagpapahinga

masarap maipit
At heto naman ang mga nakita kong walang pakialam..

ang walang pakialam

mas lalong walang pakialam
heto ang pinaka, ang tunay, ang totoong ITIM! nagpupumilit makasabit!
Sumilip:127


hehe, ayos ah… namiss ko yan… wala ako sa bansa ngayon at medyo baka matagal tagal…