>>
Jan 28, 2012 - Snapped    3 Comments

Larawan

 LARAWAN – Depending on the context, the Tagalog word larawan can be translated as picture, drawing, illustration, reflection, figure, PORTRAIT or incarnation.(source: Tagaloglang.com)

Pipe Smoker - Quiapo

Di ko alam ang tagalog ng PORTRAIT kaya nagtanong ako sa google at walang alinlangang binigay sa akin ang sagot. :)

Matagal na rin akong naglilitrato ng mga mukha ng tao, mula bata hanggang sa pinakakulubot na matanda pero ngayon ko lang naisipang balikan ang mga litrato na nagawa ko. Balak ko ngang tumutok naman ngayon sa tema ng puro tao ang subject ng mga litrato, syempre kelangan mag street photography at mas masaya kung kasama ko kayo.. :)

Sisimulan natin sa post na ‘to, tatawagin kong “Larawan ng mga Kaluluwa“. Kung gusto mong sumama gamitin mo ang contact page ko para sabay tayong maglakad sa kakalsadahan ng Maynila, mas masaya kasi pag madaming magkakasamang naglalakad.

Bearded man in Cebu City

 

Beggarwoman in Catarman Bus Terminal

 

May isisingit lang ako, mga gawa ko ‘to pag ayaw kong humawak ng camera, di ko man masyadong nagagaya ang itsura ng kinukopyang mukha nakakatuwa pa ring isipin na marunong pa rin akong gumamit ng lapis at papel para maglibang.

sketching study

 

Sept 2003 - My Bob marley sketch in pencil, Mongol 1&2

Nakalimutan ko nang ako ang gumawa ng Bob Marley sketch na ‘to kung di pa sinabi sa akin ng nagmamay-ari ngayon nito. Wala pa akong camera non, 2003, kaya lapis at notebook lang ang lagi kong hawak pag nanonood ako ng cartoon programs sa TV. Uso kasi non yong mga anime, Dragon balls, Hunter x hunter, Shaman king at marami pa. Puro cartoons ang laman ng utak ko non, naalalala ko pang pagkakalabas ko ng school nong 2002 napapadaan pa ako sa tindahan para lang masilayan ang Dragon Balls, nakakaadik rin manood nong panahong ‘yon.

2011 - My first charcoal work

Ito naman ang pina-sketch na may bayad, panregalo nya raw sa anak, unang customer ko, kakahiya nga kasi first time ko sa charcoal rendering pero sabi nong nagpagawa OK naman daw ang resulta. Online ang tutorial na ginawa namin dito ng kapatid ko, online sa text :)

Jan 2012 - my second charcoal rendering, no scaling

At ang bagong gawa ko na di ko rin masyadong nakopya pero para sa di nakita ang kopyahan, ok na to :) , sa susunod pagbubutihan ko pa, hanap pa ako ng master sa pag sketch para madagdagan pa ang aking kaalaman.

 

 

Sumilip:175
>>
  

3 Comments

  • Huwaw, ikaw ay isang certified na talentadong Pinoy hehehe. Dapat sumali ka kung nagpunta sa Catarman ang Talentadong Pinoy at nagpa-audition.

    I can’t help but notice yung portrait nung beggar woman in Catarman. She looks very familiar. Bata pa lang ako parang nakikita ko na siya.

    Congrats sa bago mong site, Denver. At salamat sa pag-drop by sa blog mo. Kun waray ka agi sa ak blog, diri ko ini mahihibaruan nga imo bag-o nga tambayan.

    By the way, dahil sa post mong ito, bila kong naalala yung nabibinbin kong proyekto tungkol sa pagkuha ng larawan ng mga tao. Pag na-plantsa ko, sana ay samahan mo ako sa pag-implement hehehe. It’s just a small charity project.

    P.S.
    Inisnab mo man an ak Christmas greetings sa text sadto nga December hehehe

  • hello, venjo,

    ang husay mo palang gumuhit. charcoal, ah. magaling ka, bale sa shading, kainaman.

    maganda ang pics sa itaas. mahusay rin ang drawings. pag-igihan mo pa… keep on capturing beauty, ika nga… ^^

    have a good weekend!

  • @nortehanon: salamat naman at nakita mo ulit ang aking tambayan :)

    Talentadong Pinoy? haha, kanira nala iton, di na ak siton mapasar..

    diin ka matikang san imo project? sige i-inform ak kon san-o para makabulig kon yaon ak pwede mahibulig.. btw, waray na ak celfone tikang pa san Nov, nahulog…

    @sasaliwngawit: salamat din sa yo, patuloy ang pag-aaral ko para madagdagan pa ang kaalaman ko :)

Got anything to say? Go ahead and leave a comment!