Roam
18 CommentsPacific Shoreline – the rocky coast.

“The Cape Espirito Santo”
Palapag, Northern Samar – ang aking lupang sinilangan, ang lugar ni Sumoroy, at lugar ng mga waray-waray na ginawang libingan ng mga matatamis na pangako ng mga tradisyonal na politiko. Binisita minsan ng dating Pangulong Fedil Ramos at ni GMA nong kakandidato pa lamang sya sa pagka-senador. Di ko lang alam kung anong pangako dati ni Mr. Ramos, bata pa kasi ako non at nong kay Pangulong GMA naman wala din akong matandaan. Ang alam ko lang ay ang pangako ni Erap, “pag ako naging presidente I will connect the Pacific towns to the mainland of Samar” – hiwalay kasi ang limang bayan sa bandang pasipiko (Lao-ang, Palapag, Mapanas, Gamay at ang bayan ng Lapinig) tanging pump boat lang hanggang ngayon ang sakayan para makarating sa bayan namin. Isang tulay lang naman ang kailangan para makonekta ang bayan namin sa sinasabing mainland ni Erap, humigit kumulang sa 100metro lang ang layo ng tutulayan di pa matapos-tapos kasi ni hindi rin naman maumpisahan.
Minsan nakausap ko sa Cavite ang isa sa mga tauhan ng unang kompanya na nanalo sa bidding ng gagawa ng tulay. Umatras daw sila dahil sa dalawang rason, una, humihingi ng parte ang dating Congressman, pangalawa, himihingi ng revolutionary tax ang grupo ng mga taong galit sa Gobyerno. Sayang, malaking tulong pa naman para sa mga taga-pasipiko ang tulay para sana isang sakayan na lang ang biyahe galing Cubao hanggang sa bayan namin.
Kahit yong mga nagdaang mga Provincial Governor at mga Congressman ay puro napako lang ang matatamis nilang pangako. Pasikatan lang sila ng kanilang chopper at palakihan ng boses sa political rallies na tuwang-tuwa naman ang mga pobreng kababayan ko sa pakikinig don sa mga pekeng pangako wala namang nagagawa pag nasa pwesto na.. Anyway halos ganon din naman ata sa ibang parte ng Pinas kaso mas malala nga lang sa Northern Samar.

“Beneath the boulder”
Pero kahit naman ganon ang mga pangyayari ay masayahin pa rin naman ang mga taga-pasipiko. Halikayo at ipapasyal ko na lang kayo sa lugar na kinalakihan ko. Magtiis lang kayo sa travel galing Maynila, medyo may katagalan pag bus ang sasakyan galing Cubao, mahal kasi sa plane eh.
Magsimula tayo sa pinakadulong destinasyon, sa Brygy. Cabatuan. Kaya siguro ganon ang pangalan ng barangay kasi maraming naglalakihang rock formations sa kanilang lugar. Mababait ang mga tao dito, kailangan lang makipag-coordinate sa Kapitan ng barangay para mahanapan kayo ng tour guide. Ingat lang sa daan kasi maraming aso sa kalsada baka mayari kayo ng may rabies na aso.

“The explorer”
Ah, nga pala, walang 7-11 dito, mas mainam na bumili ng makakain sa bayan bago pumunta sa destinasyon. Sa tubig ay walang problema, may mga mineral water na sa tindahan. Matutlis ang mga bato kaya kailangan ng matibay na sandals, o kaya’y mas mainam pag hiking shoes para iwas gasgas sa mga daliri sa paa pag namamali ng apak.
Bawal magkalat ng basura, sabi ni Bayani “kung maari ay ibulsa mo na ang maliit mong basura” para makatulong kayo sa pag-iwas ng kalat. Bawal ang masyadong maingay, pinaniniwalaan ng mga matatanda na engkantado ang lugar.

“Denver’s comet”
Walang opisyal na alituntunin sa pagbisita kaya gamitin ang common sense para maiwasan ang disgrasya. Wala ring opsisyal na nakatalang pangalan ang mga bato sa ngayon kaya kahit anong pangalan ang gusto nyong ipangalan sa mga rock formations, nasa sa inyo na yon.

“What my glasses see…”
Wag kalimutan ang first-aid kit, walang clinic na malapit. Walang signal ang celfon sa lugar kaya wag masyadong hihiwalay sa tour guide, mas mainam kung may mp3 player para may mapaglibangan.

“The artificial smoke”
Mag-ingat sa pag-akyat kung may balak kayong pumuta sa tuktok ng mga rock formation, mabigat magdala ng napilayan…magiging kawawa ang tagabuhat… ![]()

“The Crystal Lagoon”
Walang bayad ang paliligo dito, mag-ingat lang at wag pupunta sa malalim.

“Worm hole”
Maraming sea orchin sa batuhan, ingat sa paghawak at pagtapak lalo na kung manipis ang inyong tsenelas. First aid sa sea orchin venom ay ihi lang daw ng tao o kaya’y suka.

“Pool’s edge”
Mag-ingat sa matatarik na daan, matutulis ang bato…mahirap ang may kasama sa grupo na duguan.

“Below the ceiling”
Wag pakialaman ang mga pugad ng ibon. Bawal ang vandalism. At wag kalilimutang magsama ng mga barkada para mas enjoy ang “picture-picture”….
O ano, pupunta kayo? tara na!
din e2 n part n yaon crystal lagoon?????amo n eni m bag o n ginpost?palapag.com la kc ak nbbcta permi…
didto sa Cabatuan, 2km tikang sa bario.
best captures.
nakssss kajusay san upoddddddd…….galing talaga ng mga pic…… samba na talaga ako…..
oi denver natul;oy ka ba sa Davao? i was texting you last time….
sensya na eric, nalipat ang destinasyon eh… nabitin sa financial hehehe!! siguro bago matapos ang taon punta ako don kahit walang festival, nasa top list ko kasi ang davao kaso nga lang nataon sa krisis talaga…
kbasay san m mga shotsssssss,,,…!!!!! bilib n tlaga ak…TALENTED tlaga an mga tga’palapag!!!
whoah!!
lupet!!!
cnoh si girl??
looks like angelina aoyang the way she smile, xa ba??..
cnoh ba sya??
tga palapag ak, pero wa pak hingada..
huhu..
kelangan hingada nak…
nasaaa na po yung about sa mga ROBIS family. im part of it kasi:]
ty.
grabe.. denver.. you’ve gone too far and high na din…hehehehe… ang galing ng mga anggulo ng pix mo…at kahit hindi pa ako nakakapunta dun… parang i’ve been there na.. may ganun.. hahaha… kunta man.. kumuha ka man kahit konti parte san pangpang… daya u ha… classmate…
astig!! ganda ng lugar.. ang layo nga lang.. thanks for sharing.. heheh
@evan.. di pa ak nakakauli, yana nala nga summer bisitahon ko an iyo lugar..
Hello Jessforget! Kayang abutin ng motorbike mo yan… dalawan araw nga lang
wow ganda dito mag shoot… weeeeeeeeeeeeeeeeee
kaupay pa daw yana sa palapag ka rasa pag parigo
balita e man ako san maupay nga nahinanabo dithon thru email
my email ad.. nilo.baluyot@yahoo.com
Beautiful !
Thanks Sidney!
ITS A SHAME I ONLY FOUND OUT ABOUT UR SITE NOW.. WHAT CAN I SAY? PALAPAG AND NORTHERN SAMAR AS A WHOLE REALLY IS A PARADISE IN ITS OWN RIGHT… ITS UNFORTUNATE THAT I CANT HAVE ENUF TIME TO VISIT MY NEW HOMETOWN, BUT AT LEAST UR LENS CAN HELP ME WITH THAT AS U CAPTURE THE BEAUTY OF PALAPAG,.. IL JUST ENJOY IT THRU THE WEB UNTIL I’D BE GIVEN THE TIME AND CHANCE TO VISIT OUR PICTURESQUE AND BELOVED PALAPAG.. KEEP ON CLICKING THOSE SHUTTERS!!!