
“The Cape Espirito Santo”
Palapag, Northern Samar – ang aking lupang sinilangan, ang lugar ni Sumoroy, at lugar ng mga waray-waray na ginawang libingan ng mga matatamis na pangako ng mga tradisyonal na politiko. Binisita minsan ng dating Pangulong Fedil Ramos at ni GMA nong kakandidato pa lamang sya sa pagka-senador. Di ko lang alam kung anong pangako dati ni Mr. Ramos, bata pa kasi ako non at nong kay Pangulong GMA naman wala din akong matandaan. Ang alam ko lang ay ang pangako ni Erap, “pag ako naging presidente I will connect the Pacific towns to the mainland of Samar” – hiwalay kasi ang limang bayan sa bandang pasipiko (Lao-ang, Palapag, Mapanas, Gamay at ang bayan ng Lapinig) tanging pump boat lang hanggang ngayon ang sakayan para makarating sa bayan namin. Isang tulay lang naman ang kailangan para makonekta ang bayan namin sa sinasabing mainland ni Erap, humigit kumulang sa 100metro lang ang layo ng tutulayan di pa matapos-tapos kasi ni hindi rin naman maumpisahan. ..read more »
Sumilip:49