san_juanico.jpg

“the curves of San Juanico Bridge”

Read the rest of this entry »

 

tac3.jpg

Tribu Kabatuk banner.

Tapos na ang Pintados-Kasadyaan at pati na rin ang Sangyaw, tapos na rin ang pagkadismaya ko sa National highway ng Samar. Siguro dahil sa kasiraan ng kalsada doon na rin unti-unting nasira ang bus ng Eagle Star na nasakyan ko mula Tacloban hanggang Catarman. Dalawang beses na-flat at sabi pa ng mga tag-Maynila “parang namamasyal sa buwan” kung magpatakbo si Mamang Tsuper! Yong pitong oras na travel time galing Tacloban hanggang Catarman umabot ng Labintatlong oras!??

Balik na lang tayo ulet sa Sangyaw festival ng Tacloban City. Ito na yong unang pagkakataon kong makapag-shoot ng festival na meron akong Media ID, thanks to Eric Dee ng byahilo.com !

Read the rest of this entry »

 

miss_pint.jpg

 Miss Pintados 2008 

Maalikabok at lubak na daan, yan ang sasalubong sa yo kung ikaw ay papuntang Tacloban at galing ka ng Northern Samar para makinood ng Pintados festival. Yon ay kung ikaw ay isang budget traveller kaya sa ordinary bus na Eagle Star ka lang sumakay. Di pa kasi isinisilang ang Engineer na makakagawa ng paraan para patibayin ang kalsada papuntang Western Samar na simula 1996 hanggang ngayon ay wala pa ring asensong nangyari - lubak at lubak na lubak pa rin. 

Sobrang huli na nga ako kanina para makanood ng street dancing parade ng Pintados-Kasadyaan Festival buti na lang kahit papano naabutan ko pa ang ngiti at kaway ng Binibining Pintados 2008! pawi agad ang pagod ko! Ngiti pa lang, parang Alaxan na ang dating hehehe!!

Read the rest of this entry »

 

dsc_0780.jpg

 Pacific Sunrise

Read the rest of this entry »

 

cotabato.jpg

“I’m here! - Smile from Cotabato.”

Nakakaaliw maging photographer lalo na sa mga festival, madaming mapagpipilian ng subjects! Simula sa kulay ng kasuutan, sa ngiti ng mga performers, mga manonood at mismong mga photographers.

Unang part ng post na to ay para sa mga ngiting naipon ko habang nagdadatingan sa field ang mga delegates ng ibat-ibang probinsya ng Pilipinas.

Read the rest of this entry »